Saturday, December 10, 2011

Tara at manguna! ^^

Naisip ko lang habang nagbabrowse ng photo album sa FB ng Korean and Japanese friends ko...hindi lang sila simpleng litrato ng isang grupo ng mga international students, nakita ko ang isang karera ng henerasyon.

Hindi ko naman gaanong nararamdaman na mahuhuli ang henerasyon natin kapag nagtagpo tayo at sila sa edad ng karaniwang pamumuno. Marami naman satin ang nasa ibang bansa rin (at kahit ang mga nananatili sa Pilipinas) para magaral, at hindi madalang ang mga nakakakuha ng parangal at nagtatagumpay sa mumunti nilang pamamaraan.

Inaalala ko lang, at alam kong hindi lingid sa atin, na may kiling ang iba sa atin sa metalidad ng pagiging pangkaraniwan, basta mairaos lang, o kung hindi man, eh simpleng katamaran.